Nagsagawa ng water sampling ang Kawanihan ng Pamahalaang Pangkapaligiran – Rehiyon ng MIMAROPA nitong Agosto 10 at 11, na pinangunahan ng Provincial Environmental Unit – Probinsya ng Oriental Mindoro.

Nagtungo sina EMS II Carlotta Levinia Jugno at EMS I Carl Anthony Madamag sa pitong nakatalagang sampling points ng Calapan River at isang collection point ng Masipit Creek.

Ibang grupo naman ang nagtungo sa Pinamalayan River at Madugo River nitong Agosto 11. Pinangunahan nila EMS II Engr. Marvin Fetalco, EMS II Jeremiah Reuben Cabatuando at SWEET-EnMO Emelyn Fabito ang pagsasagawa ng water sampling sa tig-tatlong sampling station ng Madugo River (Cantil, Madugo Bridge, at Dangay) at Pinamalayan River (Buli, Sta. Isabel, at Lumangbayan).

Ang mga samples ay dinala sa EMB Calapan Laboratory kung saan tinukoy ang bilang ng Biochemical Oxygen Demand, Total Suspended Solids, Nitrates, Phosphates, Chlorides at Fecal Coliform.

Ang aktibidad ay bahagi ng mandato ng RA 9275