Nagsagawa ng inspeksyon ang Kawanihan ng Pamahalaang Pangkapaligiran – Rehiyon ng MIMAROPA sa ilang proyekto ng babuyan sa probinsya ng Oriental Mindoro nitong Agosto 2 at 3.

Pinangunahan ng Provincial Environmental Management Unit ang pagkolekta ng effluent samples sa tatlong proyekto ng babuyan kabilang ang Alfredo Ortega Piggery Farm sa Brgy. San Gelacio, Victoria, Bayanan Piggery Farm sa Brgy. Bayanan, Calapan, at Leodegario Reyes Piggery sa Brgy. Malaya, Naujan. Kasama sa inspeksyon na ginawa nitong Agosto 2 sina EMS II Carlotta Levinia Jugno at Jeremiah Reuben Cabatuando.

Bukod dito, kumuha rin sina EMS II Jugno, Mary Grace Valiente, Airene Manalo at Deunise Angelo Abu ng effluent sample sa Anacleto Mendoza Piggery Farm na matatagpuan sa Brgy. Canubing, Calapan, Oriental Mindoro nitong Agosto 3.

Ang mga samples ay dinala sa EMB Calapan Laboratory kung saan tinukoy ang dami Biochemical Oxygen Demand, Total Suspended Solids, Ammonia, Phosphates, at Total Coliform.

Bilang bahagi ng implementasyon ng RA 9275, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng mandato ng Kawani upang patuloy na isulong ang layunin sa pagsasaayos ng kapaligirang tungo sa pagbuti ng kalidad ng katubigan sa rehiyon.