Muling nagsagawa ng inspeksyon ang Provincial Environmental Management Unit sa ilang proyekto ng babuyan sa probinsya ng Oriental Mindoro nitong Agosto 9.

Pinangunahan nila EMS II Carlotta Levinia Jugno at EMS I Carl Anthony Madamag ang pagkolekta ng effluent samples sa tatlong proyekto ng babuyan kabilang ang: Florencia Py Piggery sa Brgy. Bigaan, San Teodoro; RI-MGI Summit Inc. Farm at MYP Farm na parehas matatagpuan sa Brgy. Palhi, Calapan City.

Ang mga samples ay dinala sa EMB Calapan Laboratory kung saan tinukoy ang dami ng Biochemical Oxygen Demand, Total Suspended Solids, Ammonia, Phosphates, at Total Coliform.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng implementasyon ng RA 9275 na mandato ng Kawani upang masigurado ang patuloy na pagsasaayos at pagpapanatili ng mabuting kalidad ng katubigan sa rehiyon.